Balik-selda ang isang lalaki na nakumpiskahan ng umano’y ilegal na droga sa buy-bust operation sa Makati City, kahapon ng umaga.

Minsan nang nakulong dahil sa pagkakasangkot sa holdapan at muli ngayong iniimbestigahan sa tanggapan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) si Emanuel Deneros, alyas “Eman Deneros”, nasa hustong gulang, ng Barangay Olympia, Makati City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), ganap na 11:00 ng umaga inaresto si Deneros ng mga tauhan ng SDEU sa kahabaan ng Calasanz Street, Bgy. Olympia.

Binentahan umano ni Deneros ng ilegal na droga ang isang pulis na tumayong poseur buyer na naging sanhi ng kanyang pagkakaaresto.

National

'Unfinished business' ni Roque sa House of Representatives, pinuna ng ilang mambabatas

Nakuha kay Deneros ang limang pakete ng hinihinalang shabu at P500 marked money. (Bella Gamotea)