Nadakma ng awtoridad ang lalaking itinuturing na No. 8 high-value drug target sa Pililla, Rizal sa buy-bust operation, kamakalawa ng hapon.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas si Jayson Ople, 24, ng A. Bonifacio Street, Barangay Quisao, Pililla.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ng Rizal Police Provincial Office, bandang 4:15 ng hapon inaresto ang suspek sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Drug Enforcement Team (DET) ng Pililla Municipal Police Station sa Market Road, kanto ng M.A. Roxas St., Bgy. Bagumbayan.

Nakuha kay Ople ang dalawang pakete ng shabu at P300 buy-bust money. (Mary Ann Santiago)

National

VP Sara, binalingan AFP sa pagkaaresto ni FPRRD: 'Bakit nila hinayaan?'