Dumating na sa Tabaco Port sa Albay ang barkong gagamitin ng ilang opisyal ng pamahalaan sa paglalayag patungong Benham Rise ngayong buwan.
Mula sa Tabaco Port, dadaan ang barko sa Infanta, Quezon para sunduin si Department of Agriculture Secretary Emmanuel Piñol at iba pang mga kawani ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Pupunta ang mga opisyal sa Benham Rise upang magsaliksik, kasama ang tatlo pang barko ng Coast Guard.
Inaasahang sila’y makararating sa lugar sa Mayo 6 o 7, at babalik sa Maynila makalipas ang isang araw. (Beth Camia)