Pinaiimbestigahan ng mga lider ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang umano’y maling paggamit ng mga opisyal ng Ilocos Norte sa buwis na nakokolekta mula sa tabako.
Naghain ng House Resolution 882 sina Majority Leader Rodolfo C. Fariñas (1st District, Ilocos Norte), Senior Majority Leader Juan Pablo P. Bondoc (4thDistrict, Pampanga) at Rep. Aurelio D. Gonzales (3rd District, Pampanga) at ibinubunyag ang anila’y “highly irregular” at tahasang paglabag sa mga batas nang magdesisyon ang Ilocos Norte provincial government na bumili ng P66.45 milyong halaga ng mga sasakyan gamit ang share ng lalawigan sa excise tax mula sa sigarilyo, at walang isinagawang public bidding.
Batay sa Republic Act 7171, ang 15 porsiyentong bahagi ng mga probinsiya na may tanim na tabako ay dapat gamitin sa kapakanan ng mga magsasaka. (Bert de Guzman)