ILAGAN CITY, Isabela- - Inihayag kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magpapatupad ito ng power interruption sa ilang bahagi ng Isabela at sa buong Cagayan, Kalinga at Apayao ngayong Biyernes.
Sinabi ni Lilibeth P. Gaydowen, North Luzon CorpComm & Public Affairs officer ng NGCP, na magsisimula ang brownout ng 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon at maaapektuhan ang distribution utility ng Isabela Electric Cooperative (ISELCO) II franchise area at bahagi ng Reina Mercedes sub-station nito.
Nasa 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi naman ang brownout sa mga sineserbisyuhan ng Cagayan Electric Cooperative (CAGELCO I), habang wala namang kuryente ng 6:00-6:30 ng umaga at 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa mga sineserbisyuhan ng Kalinga Electric Cooperative, partrikular ang saklaw ng Solana, Piat at Carig sub-stations ng CAGELCO I.
Habang 6:300-7:00 ng umaga at 8:00 ng umaga-5:00 ng hapon naman maaapektuhan ang buong CAGELCO II franchise area.
(Liezle Basa Iñigo)