NABASA namin ang tweet ni Barbie Forteza na, “Maraming salamat po sa parangal ninyong Pinakapasadong Katuwang na Aktres.”
Si Barbie ang nanalong best supporting actress sa Gawad Pasado para sa pelikulang Tuos at ka-tie niya sa nasabing category si Aiko Melendez. Mukhang hindi ito ang first time na award kay Barbie para sa nasabing pelikula na si Nora Aunor ang kasama niya.
Nanalo na ring best supporting actress si Barbie sa 2014 Cinemalaya para sa pelikulang Mariquina. Sa 36th Fantasporto International Film Festival last year, si Barbie ang nanalong best actress para naman sa pelikulang Laut.
Ang maganda kay Barbie, mahusay siya both sa drama at sa comedy. Ito ang lamang niya sa ibang aktres na kaedad niya.
Mapapansin din na kung sa pelikula ay puro drama ang ginagawa niya, sa television naman ay drama, comedy at rom-com series gaya ng hit na Meant To Be ang projects niya.
Siyanga pala, extended up to June ang Meant To Be dahil sa request at demand ng viewers. Nagtapos na dapat ang rom-com series noong April 28, pero nagprotesta ang fans ni Barbie at leading men niyang sina Ken Chan, Ivan Dorschner, Addy Raj at Jak Roberto na magtapos ang series kaya nag-decide ang GMA-7 na i-extend ito for two more months.
(Nitz Miralles)
