ANAO, Tarlac - Dalawang tricycle driver at apat na pasahero ang duguang isinugod sa Rayos-Valentine Hospital sa bayan ng Paniqui makaraang magkabanggaan at tumilapon sa bukirin ang mga ito sa Sitio Dagundon, Barangay Sinense, Anao, Tarlac, nitong Martes ng gabi.

Kinilala ni PO2 Mark Anthony Alcantara ang mga nasugatan na sina Larry Bagalay, 32, driver ng Rusi motorized tricycle; Mary Joy Bagalay, nasa hustong gulang; Joana Marie Ventura, 21; John Patrick Fernandez; at Julita Bagalay, 53, pawang taga-Bgy. Hernando, Anao, Tarlac.

Sugatan din ang driver ng nakasalpukan nitong tricycle na si Allan Corpuz, 35, taga-Bgy. San Vicente, San Manuel, Tarlac. (Leandro Alborote)

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!