MONCADA, Tarlac – Arestado ang apat na lalaki matapos nila umanong pilahan ang isang 20-anyos na dalaga sa Barangay Poblacion 4, Moncada, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa report, nakipag-inuman ang hindi kinilalang dalaga kina Richard Dumantay, 25; Rommel Sales, 19; Carlos Villanos, 21; at isang 15-anyos na lalaki sa bahay ni Dumantay bandang 1:00 ng hapon.

Nang malasing ang biktima ay minolestiya siya ng binatilyo, hanggang sa halinhinan na siyang hinalay ng apat na kainuman. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tanggal angas! Viral pulis na nambugbog ng misis, sibak sa puwesto!