SURIGAO CITY – Niyanig ng 3.8-magnitude na lindol ang Surigao del Norte kahapon ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Gayunman, walang naitalang pinsala ang mga opisyal ng Surigao del Norte.
Ayon sa bulletin nito, sinabi ng Phivolcs na naramdaman ang lindol bandang 9:56 ng umaga kahapon, habang natukoy naman ang epicentre nito sa 19 na kilometro sa may timog-silangan ng bayan ng Socorro sa Surigao del Norte.
Ang bagong lindol ay may lalim na pitong kilometo lamang. (Mike U. Crismundo)