CABANATUAN CITY – Dalawang kilabot na miyembro ng isang umano’y robbery hold-up gang ang nasakote ng mga tauhan ng Provincial Special Operations Group (PSOG) ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO), nitong Miyerkules ng umaga.
Sa ulat kay Senior Supt. Antonio C. Yarra, NEPPO director, nakilala ang mga naaresto na sina Ralph Jay Mercado Lagasca, 20, ng Bgy. Atate, Palayan City; at Victorino Divino Sana, 45, ng Bgy. Belen, Gen. Natividad, Nueva Ecija.
Ayon kay Yarra, sangkot sina Lagasca at Sana sa 14 na insidente ng robbery extortion sa Palayan City, Cabanatuan City, at sa mga bayan ng Bongabon, Rizal at Gen. Natividad. (Light A. Nolasco)