Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng isang lalaki at isang babae matapos makumpiskahan ng ilegal na droga, baril at mga bala sa buy-bust operation sa Las Piñas City, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Las Piñas City Police chief Senior Supt. Marion Balonglong ang mga suspek na sina Joel Leonardo y San Jose at Alea Kasandra Alongsagay, kapwa nasa hustong gulang, ng E. Aldana Street.

Base sa ulat, dakong 8:15 ng gabi dinakma ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sina Leonardo at Alongsagay sa Tramo St., E. Aldana, Las Piñas City.

Hindi na nakapalag sa mga pulis ang dalawa nang mahuli sila sa aktong inaabot ang umano’y ilegal na droga sa poseur-buyer.

Eleksyon

Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD

Nakumpiska kina Leonardo at Alongsagay ang walong pakete ng hinihinalang shabu, isang caliber .38 revolver, limang .38 cal. live ammunition at P300 marked money.

Nakatakdang kasuhan ang mga suspek sa paglabag sa Article II, ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at illegal possession of firearms and ammunitions sa Las Piñas Prosecutor’s Office. (Bella Gamotea)