SAN MARIANO, Isabela - Dalawang most wanted person sa Isabela ang nahuli ng mga pulisya ng San Mariano at Echague sa lalawigan.
Kinilala ni Supt.Manuel Bringas, hepe ng Provincial Investigation and Detective Management Branch ng Isabela Police Provincial Office, ang mga naarestong sina Loreno Ascueta, 24, ng Barangay Minanga, San Mariano; at Renelio Ariola, 40, ng Villa Rey, Echague.
Si Ascueta ang ikawalong most wanted sa San Mariano dahil sa kinakaharap na homicide.
Ikaanim namang most wanted sa Echague si Ariola para sa kasong cattle rustling. (Liezle Basa Iñigo)