NAMATAY na ang karakter ni Vaness del Moral bilang Gurna sa Encantadia kaya ayon sa Kapuso actress ay araw-araw niyang nami-miss ang mga kasamahan sa telefantasya.

Hindi pa rin tumitigil ang kulitan nila sa group chat at updated pa rin siya sa buhay ng mga dating kasamahan. Ayon pa kay Vaness, madalas din siyang nagdadala ng pagkain sa set para dumalaw at mangumusta. Pabiro pang sabi niya, sinasadya niya si Direk Mark Reyes para piliting ibalik siya sa serye.

“Sabi ko, baka p’wedeng ibalik n’yo muna ako. Baka p’wedeng mabuhay muna ako katulad nina Hagorn,” kuwento ng dalaga.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ayon pa kay Vaness, welcoming ang buong production tuwing dumadalaw siya.