LAUREL, Batangas - Patay ang isang truck driver habang sugatan naman ang kanyang pahinante matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang truck sa Laurel, Batangas.

Dead on arrival sa Ospital ng Tagaytay si Apolinario Dollano, 50, habang ginagamot pa si Eric Linis, 20, helper, ng Lipa City, Batangas.

Ayon sa report ni PO1 Florenio Santillan, Jr., bandang 11:00 ng umaga nitong Martes at binabagtas ng Isuzu Elf truck (USN-223) ang pababang kalsada ng Barangay Niyugan nang mawalan ng kontrol sa sasakyan si Dollano at nahulog ito sa bangin. (Lyka Manalo)
Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!