LIAN, Batangas - Basag ang ulo ng isang 22-anyos na binata nang sumalpok sa isang pampasaherong jeep ang minamaneho niyang motorsiklo na nawalan ng kontrol sa Lian, Batangas.
Kinilala ang biktimang si Mhar Angelo Colecha, machine operator, at taga-Barangay Puting Kahoy, Lian.
Ayon sa report ni PO3 Primitivo Dayandayan, dakong 9:25 ng umaga at binabagtas ni Colecha ang kalsada ng Bgy. Matabungkay nang mawalan siya ng kontrol at dumulas ang motorsiklo.
Tumama ang ulo ni Colecha sa sinusundang pampasaherong jeep na minamaneho ni Felix Ureta, 51, habang bahagya namang nasugatan ang angkas ni Colecha na si Mark John Colecha. (Lyka Manalo)