TAPIK sa balikat ng Philippine karatedo team ang matikas na kampanya sa nakalipas na Thailand Open.

Nakopo ng Pinoy karatekas ang dalawang ginto, isang silver at 14 na bronze sa torneo na bahagi ng paghahanda ng koponan para sa pagsabk sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.

Nanguna sa Philippine Team sina Jaime Villegas sa individual kata at Jason Macaalay sa -60 kgs. kumite.

Bunsod nito, kumpiyansa si Philippine Karatedo Federation (PKF) secretary-general Raymund Lee Reyes sa produktibong kampanya ng koponan sa SEAG.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Siyempre we would like to have two to three golds in the SEA Games, and other players getting medals as well. Yun ang target namin,” pahayag ni Reyes sa ginanap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Golden Phoenix Hotel.

Kasama ni Reyes sa programa na itinataguyod ng San Miguel Corp., Golden Phoenix Hotel, Accel, at Philippine Amusement and Gaming Corp., sina coach Ali Parvinfar, medalists Mae Soriano, James Delos Santos, Rexor Tacay, Engene Dagohoy, Christian Queco, Kimverly Madrona, Gabriel Villaluz, Shareif Afif,at Villegas.

Nakopo ni Ramon Franco ang silver at bronze medal sa Myanmar SEA Games noong 2013. Hindi kabilang ang Karate sa sports sa 2015 Singapore edition.

Nakamit naman ni Soriano ang bronze medal sa 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea.

Sa KL, may kabuuang 16 gold medal ang nakataya sa karate event