Isusulong ni Tourism Promotions Board chairman Cesar Montano na maging Hollywood Capital Destination ang bansa.

Ayon kay Montano, naapektuhan ang turismo ng bansa dahil sa pag-atake ng Abu Sayyaf sa Bohol, gayundin sa Cebu at Davao kaya’t kailangan ang puspusang promosyon para sa magagandang lugar sa Pilipinas.

Sinabi ni Montano na kakausapin niya ang ilang batikang Hollywood director at producer tulad nina Mel Gibson at Quentin Tarantino, at iimbitahan ang kilalang Taiwanese director na si Ang Lee at iba pang Bollywood film director.

Gagawa ng memorandum of understanding ang bansa para sa mga nabangit na Hollywood personalities upang isulong ang turismo sa Pilipinas.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Nasa Boracay si Montano para dumalo sa ilang okasyon kaugnay ng turismo. (Jun N. Aguirre)