Patay ang isang 86-anyos na babae at dalagita niyang apo na special child matapos silang ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Barangay Canjulao, Lapu-Lapu City, Cebu, nitong Martes ng hapon.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Region 7, nangyari ang sunog dakong 2:00 ng hapon sa naturang barangay sa Lapu-Lapu City.

Batay sa imbestigasyon ng BFP-7, kinilala ang mga nasawi na sina Aurea Jumao-as, 86, at Jane Ycong, 14 anyos.

Sinabi ni Edna Jumao-as, ina ni Ycong, na bigla na lang umano silang may narinig na pagsabog sa likurang bahagi ng kanilang bahay at narinig nilang may sumigaw ng “sunog” kaya kaagad silang nagtatakbo palabas ng bahay.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon pa sa imbestigasyon, naiwan ang maglola kaya binalikan sila ng mga kaanak ngunit lumaki na ang apoy.

Nabatid na hindi na nakakalakad ang matanda habang hindi naman nakapagsasalita ang dalagita.

Nasa 16 na bahay ang natupok sa sunog, at sa barangay covered court nagpalipas ng magdamag ang mga apektadong pamilya. (Fer Taboy at Mars Mosqueda, Jr.)