PARIS (AFP) – Nagkainitan sina French centrist Emmanuel Macron at kanyang far-right presidential rival na si Marine Le Pen sa isyu ng terorismo, ekonomiya, at Europe sa TV debate nitong Lunes na inilatag ang kanilang magkakaibang pangarap sa bansa.

Ang kanilang banggaan bago ang halalan sa Linggo ay tinaguriang komprontasyon sa pagitan ng panawagan ni Macron, 39 anyos, para sa openness at pro-market reforms at France-first nationalism ni Le Pen.

Sa mga unang minuto pa lamang, ay binansagan ni Le Pen ang dating economy minister at investment banker na ‘’the candidate of the elite’’ at ‘’darling of the system’’.

Sumagot si Macron na si Le Pen, 48, scion ng National Front (FN) party, ay ang ‘’heir of a system which has prospered from the fury of the French people for decades’’, idinagdag na: ‘’You play with fear.’’

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Tinawag ng 39-anyos si Le Pen na sinungaling at ‘’parasite of the system’’.