JOLINA copy

NAPAIYAK si Jolina Magdangal sa mensahe ng kanyang mga magulang na sina Mommy Paulette at Daddy Jun Magdangal.

Pinasalamatan kasi ng dalawa ang walang patid na tulong at pagmamahal na ibinibigay ni Jolina.

“Salamat anak for supporting us until now. Talagang mabait kang bata. Although lahat naman ng mga anak ko, eh, mababait silang lahat. Pero si Jolina, dahil malayo siya sa amin, eh, ‘yung may nangyari sa akin tumatawag agad siya sa akin,” pambungad na mensahe ni Mommy Paulette.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019

Nagpapasalamat din si Daddy Jun sa mga pagkakataong ibinigay sa kanya na pangalagaan dati ang showbiz career ni Jolens. Si Daddy Jun ang palaging kasama ni Jolina at nag-aasikaso noon sa press.

“Pati sa choice mo sa family mo ngayon, eh, very thankful ako kasi nakikita ko how happy you arte with Pele and Mark,” pahayag ni Daddy Jun.

Siyempre, namutawi ang labis na pasasalamat ni Jolina sa mga magulang niya lalung-lalo na sa mensahe ng mga ito.

Inamin ni Jolens na ngayon lang niya narinig ‘yun sa buong buhay niya.

“Heto, pinipigil ko lang talaga ang pag-iyak pero hindi kaya. Gusto ko talagang maging thankful sa moment na ito, dahil meron silang sinabi na ngayon ko lang narinig. I mean, ‘yung message nilang ‘yun,” napaiyak na banggit ng isa sa mga host ng Magandang Buhay.

Samantala, bukod sa Magandang Buhay ay isa na rin si Jolina sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan Kids” sa It’s Showtime. (JIMI ESCALA)