Robi at Sandara copy

NAKAKATUWA ang reaction ng fans sa balitang may Pilipinong fan na nakakita kina Sandara Park at Robi Domingo na nagdi-date sa Korea.

Nagsimula ang balita sa post ng fan sa Facebook na, “My geeeehd! When you suddenly bumped in to sandara park and robi domingo... #confirmed.”

Kuwento pa ng fan na nakakita sa dalawa, si Sandara lang ang pumayag na magpa-picture sa grupo nila, tumangging magpakuha ng litrato si Robi na kasama sila.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang tuluyang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong Marso 17, 2019

May mga nag-comment na siguro nanliligaw si Robi kay Sandara kaya dumayo pa sa Korea para makasama ito. May mga naniniwala namang si Sandara ang rason ng break-up nina Robi at ex-girlfriend nitong si Gretchen Ho.

Pero may mga naniniwalang friends lang sina Sandara at Robi na kasama sa circle of friends nina Joross Gamboa at Ryan Bang. ‘Pag pumupunta raw sa Korea si Robi o sinuman sa mga kaibigan ni Sandara, nagbibigay ng oras si Sandara na makipagkita sa kanila. Saka, alam daw ni Robi kung sino ang love ni Sandara.

Tiyak na mai-interview ang dalawa tungkol sa balitang ito, hintayin natin ang paliwanag nila. (NITZ MIRALLES)