Brad at Angelina copy

IBINUNYAG ni Brad Pitt na tumigil na siya sa pag-inom ng alak at sumailalim sa therapy upang malagpasan ang pagdidiborsiyo nila ni Angelina Jolie.

Sa panayam ng GQ Style unang nagsalita ang aktor tungkol sa hiwalayan.

“I just started therapy,” sabi ni Brad. “I love it. I love it. I went through two therapists to get to the right one.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Inamin niya na nalulong siya sa alak at gumamit ng marijuana noon at sinabing inilayo niya ang kanyang sarili sa iba, emotionally.

“I’m personally very retarded when it comes to taking inventory of my emotions. I’m much better at covering up,” dagdag ng aktor.

Ipinahayag ni Angelina noong Setyembre 2016 na maghahain siya ng diborsiyo laban sa aktor. Naging magkasintahan sila simula 2004 at ikinasal noong 2014.

Naging mainit ang kanilang agawan ng child custody ng mga sumunod na buwan matapos ipahayag ang kanilang paghihiwalay.

Inimbestigahan si Brad sa alegasyon ng child abuse nang magwala sa harapan ng kanilang mga anak, ngunit kalaunan ay nalinis ang kanyang pangalan.

Sinabi ng aktor na ang paghihiwalay nila ni Angelina ang naging “huge generator for change”.

“I can’t remember a day since I got out of college when I wasn’t boozing or had a spliff, or something,” aniya.

“I’m really, really happy to be done with all of that. I mean I stopped everything except boozing when I started my family.

“But even this last year, you know -- things I wasn’t dealing with. I was boozing too much.”

Sinabi ni Brad na mahilig siya sa alak, idinugtong na “truthfully I could drink a Russian under the table with his own vodka. I was a professional. I was good.”

Sinabi ng aktor na ngayon ay pinalitan na niya ang alak ng cranberry juice at fizzy water.

Tungkol sa diborsiyo, sinabi ni Brad na nagpagkasunduan nila ni Angelina na iwasan ang “vitriolic hatred” at magtulungan upang maisaayos ang kanilang mga problema, idinagdag na pursigido silang maisaayos ang lahat sa pribadong paraan.

Sinabi rin ni Brad na nakakahanap siya ngayon ng katahimikan sa pag-aabala sa maraming bahay.

“I’m making everything. I’m working with clay, plaster, rebar, wood.”

Tungkol naman sa kanyang karera, sinabi niyang: “I don’t really think of myself much as an actor anymore. It takes up so little of my year and my focus.

“Film feels like a cheap pass for me, as a way to get at those hard feelings. It doesn’t work anymore, especially being a dad. (BBC News)