IZA, IAN AT BEA copy

NGAYON na naman lang kami nahumaling sa isang television series.

Palaging natutumbok ng creative think-tank ng teleseryeng A Love To Last ang damdamin ng primetime viewers. Katunayan ang madalas na pagba-viral ng show tuwing may sensitibong topic silang tinatalakay.

Bukod sa main plot ng love story nina Andeng (Bea Alonzo) at Anton (Ian Veneracion), suwabe silang nakakapag-inject ng mga kaugalian o tradisyon nating mga Pilipino sa pagdadala ng bagong miyembro ng pamilya, na siyempre pang may mga kumplikasyon sa nag-iibigan.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Madalas mag-viral ang A Love To Last dahil lalong nagiging interesting ang love story ng Tondeng, simula sa pagiging simple hanggang sa nagiging kumplikado na dahil sa pagtutol ng magkabilang pamilya.

Brilliant ang pagkakaisip ng Batangas touch sa istorya, kaya perfect ang fusion ng kaugaliang probinsiya at mabilis na pamumuhay sa Metro Manila.

Sa partido ni Andeng, nag-viral ang pagsusungit ng kanyang lola na si Mameng (Perla Bautista) kay Anton. Ngayong Linggo, sinasabotahe naman ni Lucas (JK Labajo) ang pagpapatulong niya kay Andeng na humantong na sa pagsabon sa kanya ng ama.

Idagdag pa ang pagbabalik ni Grace (Iza Calzado) na gayong umayaw na sa married life nila ni Anton ay mukhang nai-in love uli.

Ngayong in love si Anton kay Andeng, nakikita uli niya ang dating Anton na minahal niya noon. Inayawan niya ang ex-husband dahil masyado nang naging busy sa trabaho at napabayaan na siya.

Ang maayos na paghawak ng scriptwriters sa sensitibong materyal ang lalong nagpapatamis sa A Love To Last. Hindi nila ginagawang caricature ang pagiging ex-wife ni Grace at ganoon din ang pagiging future madrasta ni Andeng. Hinog na hinog din ang characterization kay Anton, kaya para silang tatlong bato ng gatungan na gabi-gabi’y may nilulutong masarap na putahe para sa viewers.

Kaya nakakahumaling panoorin sina Iza, Ian at Bea, swak na swak sa pagiging intelihenteng performers nila ang characterization at mga sitwasyong iniisip ng writers para sa kanila.

Katunayan, habang sinusulat namin ito, excited na naman kami sa pingkian ng pagganap sa confrontation scene nina Bea at Iza na ipinakita sa teaser last Tuesday night.

Tiyak na matatagalan bago makaisip uli ng ganitong konsepto ang TV people natin, kaya hindi namin mapalampas ang bawat episode nila. (DINDO M. BALARES)