ZARAGOZA, Nueva Ecija - Kalaboso ang isang 32-anyos na security guard ng isang high school sa Barangay Carment sa Zaragoza, Nueva Ecija, makaraang ituro bilang isa sa apat na nagnakaw ng mga computer set sa paaralan.

Sa ulat na ipinarating ng Zaragoza Police kay Nueva Ecija Police Provincial Office director Senior Supt. Antonio C. Yarra, inaresto ang security guard na si Efren Rodriguez Dela Cruz, 32, ng Bgy. Carmen, Zaragoza, habang pinaghahanap pa ang umano’y mga kasamahan niya.

Nabatid na dakong 11:30 ng gabi nitong Abril 30 nang tangayin ng apat na lalaki ang anim na set ng computer na may kabuuang halaga na P300,000 mula sa Carmen National High School. (Light A. Nolasco)

Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel