Determinado ang Kongreso na maipasa ang 14 na prayoridad na batas bago ang sine die adjournment nito sa Mayo 31, inilahad ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas kahapon.

Sinabi niya na sa kanilang pagpupulong sa EDSA Shangri-La Hotel kahapon ng umaga, nagkasundo ang mga lider ng Senado at Kamara na ipasa ang mga sumusunod na panukalang batas: Free Internet Access in Public Place Act; Free Higher Education Act; Revised Penal Code Indexation; Philippine Mental Health Act; Philippine Passport Act amendments; Community Service in lieu of imprisonment for the penalty of arresto menor; at Occupational Safety and Health Standards Act; Enhanced Universal Healthcare Act.

Nasa priority list rin ang: Penalizing the refusal of hospital and medical clinics to administer medical treatment in emergency cases; Agrarian and Agricultural Credit Condonation Act; Extension of Driver’s License Validity; Prohibit Conversion of Irrigated Land; Free Irrigation Services Act; at Inclusion of casinos in AMLA coverage.

Kahapon, nagbalik na sa trabaho ang Kongreso matapos ang isang buwang bakasyon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Sinabi ni Fariñas na nagkasundo ang dalawang kapulungan na ipapasa ang 14 na panukalang ito ngayong buwan, ngunit ang approval ang iba pang priority bills ay kailangang maghintay hanggang Setyembre o Disyembre, kabilang na ang tax reform bill. “We cannot finish that this May, other bills can be passed by September or December,” aniya.

Bilang parliamentary courtesy, sinabi ni Fariñas na hindi nila tinalakay sa kanilang mga katapat sa Senado ang death penalty bill.

“It will be inappropriate to raise that out of inter chamber courtesy so we did not discuss it (death penalty bill),” aniya. (Charissa M. Luci)