MUKHANG walang lihim na hindi nabubunyag. Kahit nasa ibang bansa, nabukelya pa rin sina Robi Domingo at Sandara Park.
Matatandaang naghiwalay sina Robi at Gretchen Ho na ang itinuturong dahilan ay si Sandara, pero kaagad naman itong pinabulaanan ng TV host sa presscon ng I Can Do That.
Ang natatandaan naming sinabi ni Robi, walang kinalaman si Sandara sa hiwalayan nila ni Gretchen at sa katunayan ay hindi raw sila close ng Korean singer/actress.
Ang kawalan ng oras sa isa’t isa ang binanggit na dahilan ni Robi, samantalang si Gretchen naman ay hindi pa nagsasalita hinggil sa break-up nila.
Pero mukhang unti-unti nang lumalabas ang katotohanan sa Robi-Sandara chism dahil nakita silang magkasama sa South Korea ng isang fan na gusto sanang magpa-picture kasama sila, pero tumanggi raw si Robi.
Ang post sa social media ng nangangalang Harmony Doll Melodi Lee, “My geeeeeeehd! When you suddenly bumped in to sandarac park and robi domingo…#Confirmed.”
Tinanong ang nag-post ng follower na si Fem Pacio-Balingcos, “As in?! omg! Ahahha.”
Kaagad itong sinagot ni Harmony Doll Melodi Lee ng, “uo, wla na lang sugot si robi pa picture mi kay sandarac…
hahahahahah! #PlayingSafe kau (kaya) cla. Heheheheh….”
Ano kaya ang masasabi ni Robi tungkol dito? (REGGEE BONOAN)