Pinabulaanan ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran kahapon ang alegasyon na ginagamit ang ahensiya sa pangha-harass at planong pagpatay sa gambling operator na si Charlie “Atong” Ang.

Naglabas si Gierran ng pahayag sa gitna ng mga akusasyon ni Ang na pinagbabalakan ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang pagpatay sa kanya gamit ang NBI.

“The National Bureau of Investigation (NBI) today denied in the strongest possible terms reports that the Agency is involved in the alleged harassment and threat on the life of Charlie ‘Atong’ Ang,” saad sa pahayag ni Gierran.

Tiniyak ni Gierran na, “the NBI is a professional organization that adheres to high moral and ethical standards and its Officials and Agents will not be involved in highly unethical and illegal activities as alleged by Ang.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Idinagdag niyang, “the alleged threat that Charlie ‘Atong’ Ang said in an interview is baseless and without merit and is just a product of his own wild imaginations.”

Pinagdududahan ng NBI chief na maaaring gumaganti si Ang sa magkakasunod na operasyon ng bureau laban sa ilegal na sugal sa Isabela.

Tinukoy ni Gierran ang sulat na natanggap ng NBI nitong Marso 29 mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na humihingi ng ayuda ang bureau upang mapahinto ang illegal gambling at iba pang uri ng illegal numbers game, kabilang ang Jai-Alai, sa Isabela.

Sinabi ng PCSO sa NBI na sa ilalim ng batas ay tanging PCSO lamang ang awtorisadong ahensiya na makakapagpalago ng lotteries at kaparehong mga laro sa bansa at ang Small Town Lottery (STL) lamang ang tanging legal at awtorisadong numbers game sa buong bansa.

Bilang pagtalima sa kahilingan, nagsagawa ng operasyon ang NBI-Cagayan Valley Regional Office (NBI-CAVRO) nitong Abril 19 sa Ilagan, Isabela na nauwi sa pagkakahuli sa 40 katao at gambling paraphernalia ng Meredian Gaming Corporation. (Jeffrey G. Damicog)