DAGUPAN CITY - Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Cagayan ang bahay ng isang umano’y kilabot na pusher—na chairman ng Barangay Mabuttal West sa Ballesteros, Cagayan.

Sa tinanggap na report ng Balita mula kay 17th Infantry Battalion Director Laurefel P. Gabales, sinalakay ng PDEA at ng militar ang bahay ni Edmundo Uclos, chairman ng Bgy. Mabuttal West, Ballesteros, sa bisa ng search warrant dakong 7:00 ng umaga nitong Lunes.

Hindi inabutan sa kanyang bahay ang kapitan subalit narekober ng mga awtoridad ang 35 heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, at iba’t ibang rug paraphernalia.

Sa kabuuan, aabot sa P300,000 ang halaga ng nakumpiskang shabu, ayon sa PDEA.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naghain na ng kaso laban kay Uclos kaugnay ng paglabag sa Sections 11 at 12 ng Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (RA 9165). (Liezle Basa Iñigo)