AGONCILLO, Batangas - Inaresto ng mga awtoridad ang isang barangay kagawad nang tangkain umano nitong itago ang isang pouch ng hinihinalang shabu habang nag-iimbentaryo ang mga pulis matapos maghain ng search warrant sa isang kabarangay nito sa Agoncillo, Batangas.

Nahaharap sa obstruction of justice si Magno Almanzor, 57, kagawad ng Barangay Bilibinwang.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office, naghain ng search warrant ang mga pulis laban kay Casiano Alvarez sa Bgy. Bilibinwang.

Nabatid na nag-iimbentaryo ang mga awtoridad sa mga nakuhang ebidensiya nang maaktuhan umano si Almanzor habang pasimpleng inilalagay sa kanyang bulsa ang isang brown pouch na may lamang sachet ng shabu.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Kinuha ng pulisya si Almanzor bilang testigo sa operasyon, ngunit napag-alaman kalaunan na kamag-anak niya ang suspek na si Alvarez. (Lyka Manalo)