ANIM na media representatives ang sumalang sa paglilitis simula kahapon kaugnay sa paglalathala ng long-lens photographs ni Duchess Kate, asawa ni Prince William, habang nagsa-sunbathing na walang pang-itaas sa France, na nagdulot ng eskandalo sa Britain.

Ang kaso ay may kaugnayan sa mga litratong inimprinta sa glossy French magazine na Closer at regional daily na La Provence noong Setyembre 2012.

Nagbabakasyon ang mga royal sa katimugan ng France nang mga panahong iyon sa isang chateau na pag-aari ni Viscount David Linley na anak ni Princess Margaret, ang namayapang kapatid ni Queen Elizabeth II ng Britain.

Isa sa most intimate shots ang nagpapakita sa Duchess of Cambridge na topless at nagpapalagay ng suncream sa kanyang asawang si William.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sina Laurence Pieau, editor ng Closer sa France, Ernesto Mauri, chief executive ng Mondadori group na nagmamay-ari ng magazine, at sina Cyril Moreau at Dominique Jacovides, dalawang Paris-based agency photographer ng pinaghihinalaang kumuha sa topless photos, ang kinasuhan ng invasion of privacy at complicity.

Hindi inaasahan na dadalo ang royal couple sa paglilitis sa Nanterre.

Apat na buwan nang naantala ang kaso matapos pagbigyan ang abogado ng mga photographer ng karagdagang panahon na makapaghanda ng kanilang depensa.

Tumangging magkomento ang Kensington Palace office ni William nang kontakin ng AFP.

Ipinagtanggol ni Pieau ang ginawa ng publication nang pumutok ang eskandalo, sinabing ang mga litrato ay “least shocking”.

Pinanigan ng French authorities ang mag-asawa at ipinagbawal ang reproduction ng mga litrato bago maglunsad ng imbestigasyon kung paano nakuha ang mga ito.

Ngunit lumabas pa rin ang mga topless photo sa ibang European publication sa Chi ng Italy, na tulad ng Closer, ay pag-aari rin ng Mondadori, sa Daily Star ng Ireland at sa sister magazine nito sa Sweden at Denmark. (AFP)