'GAYA BOYS' copy copy

MAY bagong karagdagan sa cast ng Meant To Be, four boys din at makikilala sa pangalang Gaya Boys na makakaribal ng Jeya Boys.

Ang Gaya Boys ay galing sa initial ng pangalan ng mga karakter sa rom-com series na sina Gordon Smith (ginagampanan ni Matthias Rhoads), Avi Jacobs (Vince Vandorpe), Yexel Smith (Carl Cervantes) at Andrew Zapata (Dave Bornea).

Magiging business rival ang Gaya Boys ng Jeya Boys na initial naman ng karakter nina Addy Raj (Jai), Ivan Dorschner (Ethan), Ken Chan (Yuan) at Jak Roberto (Andoy).

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Magtatayo rin ng sports bar ang Gaya Boys sa harap pa ng Jeya Sports Bar, kaya magulo ito. Sa pagpasok ng Gaya Boys, papasok din ang ibang conflict sa story na in-assure ng production team ng Meant To Be, makakaganda pa at hindi makakasira sa story ng series.

Extended ang Meant To Be hanggang June. Dapat ay nagtapos na ito noong April 28 o 16 weeks run, pero dahil pinapanood at sinusuportahan ng viewers, hanggang June pa eere ang journey ni Billie (Barbie Forteza) sa paghahanap ng true love sa manliligaw niyang Jeya Boys. (Nitz Miralles)