IDINAAN sa Facebook ng mother ni Charice Pempengco ang apela sa bashers ng anak. Partikular na ‘yung nagsabing laos at naghihirap na si Charice.
Sa Lahat Po Ng Sumusubaybay Sa Anak Kong Si Charice...
“Huwag naman ninyo masyadong husgahan ang anak ko ayon lang sa nakikita n’yo. Laos, purdoy, at nakikitira. Mga haka-haka lamang pero walang kasiguraduhan. Si Charice eh nakatatak na ang pangalan na nagbigay karangalan sa bansang Pilipinas para sabihan na laos. Kung di man po siya lumalabas sa entablado ‘yun eh sariling choice niya.
Minsan na ring ibinigay sa atin ang kasiyahan bilang isang mahusay na mang-aawit ‘di lamang dito kundi sa ibang bansa. Kaya bigyan naman po natin siya ng chance para pagbigyan naman kung ano ang gusto niya sa kanya pag-awit. Respeto lamang po bilang pagrespeto ng ibang lahi sa kanya... Sa katunayan n’yan, dinalaw ko siya sa bahay niya, buti pinapasok ako ng guard, nadatnan ko lang ang mga alaga kong si Chagoy at Yeye... Sa ‘yo, Charice, basta lagi mong tandaan na andito lang ako in case na kaylangan mo ‘ko... Maraming salamat po.”
Sinundan pa ito ng, “Sorry to tell you, but we need to respect sometimes what the person wants for her own life. Its her life and it’s her own choice. We need to respect it...if she wants that way, all we have to do is to follow and listen, if we love this person...CHARICE.”
“David (Foster) and Oprah (Winfrey) still love Charice , it’s Charice decision to make herseld happy and she thinks that if she do it? You might love it too ‘coz she thinks you love her whoever she is...”
Hanggang natapos naming basahin ang post ni Raquel Pempengco, hindi pa rin namin mawari kung bakit all caps ang post niya. Sumisigaw siya sa post niya para siguro marinig at mabasa ng malinaw.
(Editor’s note: In-edit namin ang all caps na text, para mas madaling basahin.) (NITZ MIRALLES)