AMINADO si dating IBO super featherweight champion Jack Asis na pinakamasayang araw niya nang muli silang nagkita ng naka-spar niya noon na si eight-division world champion Manny Pacquiao na magdedepensa ng WBO welterweight title sa Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.
"Today is very special to me," pahayag ni Asis sa Philboxing.com matapos kamayan si Pacquiao na nagdaos ng press conferenccs sa Brisbane, Australia kamakailan. "Many years ago we spar together in gym in the Phillipines and like all Filipinos Manny Pacquaio is my idol. He inspire me to be a boxer."
Binigyan si Asis ni Pacquiao nang special glove na pinintahan ni Toowoomba aboriginal artist Daniel Blades ng mga simbolo sa Pambansang Kamao bilang mandirigma at isang lider.
"This glove very special and I'm very appreciative of Daniel Blades painting this glove for me to give to Manny," ayon kay Asis na nakatakdang lumaban sa China laban kay WBA No. 2 junior lightweight Xu Can sa Mayo 7 para sa WBA International super featherweight title.
"This very inspirational to me. I have big fight in China and meeting Manny has only made me hungrier for victory,” dagdag ni Asis. "Manny is a world champion and I want to be a world champion again." (Gilbert Espeña)