Inilarga ang Davao-General Santos-Bitung roll on/roll off (RORO) shipping service nitong Linggo ngunit umalis ang M/V Super Shuttle RORO 12, ang barko na nagseserbisyo sa ruta, patungong Indonesia na isang porsiyento lamang ang laman sa kanyang kabuuang kapasidad na 500 twenty-foot equivalent unit (TEU).

Sinabi ni Kim Pancho, Davao branch manager ng Asian Marine Transport Corp., sa mamamahayag na ang unang biyahe ay may sakay lamang na 5 TEU at 50 20-talampakang container van na walang laman at ilalagay sa daungan sa Bitung. Inaasahang darating ito sa Indonesia ngayong araw, Mayo 2, aniya.

Ayon sa kanya, gumagastos ang shipping company ng P10 milyon bawat biyahe.

Ang Aboitiz-led Pilmico Foods Corp., ang tanging kumpanya na nangakong magsasakay ng mga produkto sa unang biyahe, ayon kay Pancho, ngunit mas maraming cargo ang inaasahan sa ikalawang paglalayag.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“The Bitung side (exporters) has committed. There will be more after second voyage,” aniya.- Antonio Colina IV