EKATERINBURG, Russia – Target ni Sanman boxer Eden Sonsona (36W-6L-2D,13KO’s) ang WBO Intercontinental super featherweight title kontra sa walang talong si Russian Evgeny Chuprakov (17W-0L,9KO’s) sa Mayo 5 sa DIVS dito.

Dumating sa Moscow ang grupo ni Sonsona nitong Abril 30 at kaagad na nagsagawa ng ensayo kasam sina cornermen/trainer Romeo Desabille at trainer-father Boy Sonsona.

Sa text mesaage na inilathala ng Philboxing,com, sinami ni Sanman Promotions CEO Jim Claude Mananquil na nasaayos na lahat para sa laban ni Sonsona.

“Eden has trained hard for this fight and I like his chances,” aniya.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

“I am excited and ready for war. I’ve won on the road before and I can do it again,” pahayag naman ng 18-anyos na Pinoy fighter, patungkol sa panalo niya sa Mexico kontra saw ala ring talo noon na si Mexican Adrian Estrella noong 2015.

Nakamit ni Sonsona ang WBC International Silver title via TKO sa naturang laban.

Nitong Pebrero, nakamit niya ang bakanteng WBF International super featherweight belt via TKO kontra Jovany Rota ng Gen. Santos City.

Nakopo ng 27-anyos na si Chuprakov ang WBO European title, gayundin ang WBO Intercontinental belt nitong Nobyembre via majority decision laban kay Jeremiah Nakathila ng Namibia.