LONDON (AFP) — Nakumpleto ng English policeman, suot ang gorilla costume, ang London Marathon matapos ang isang linggong paggapang.
Iniaalay ni Metropolitan Police officer Tom Harrison, tinaguriang “Mr. Gorilla,” ang ginawang aksiyon para makalikom ng pondo sa Gorilla Organization na nangangalaga sa mga gorilla sa Rwanda at Uganda. Nakalikom umano siya ng £26,000 (US$33,650).
Sinimulan ng 41-anyos Londoner ang paggapang para sa 26.2-mile (42.2-kilometer) route sa nakalipas na linggo at nakatawid sa finish line nito lamang Sabado.