MUKHANG nagpapapansin talaga ang baguhang singer na kung anu-ano ang ipino-post sa social media na ikinagugulat maging ng mga kakilala niya, pero suportado naman siya at may nagsabi pa nga ng, “go girl!”

Nang una niyang i-post ang mga litrato kasama ang kanyang non-showbiz boyfriend, marami ang nang-bash sa baguhang singer na nakilala pa namang prim and proper. Nang magkaroon daw ng karelasyon, kung anu-ano na ang ipino-post sa social media.

May nagsabing, “Lumabas na rin ang tunay na kulay… mahinhin kuno.”

Usap-usapan ng reporters na tiyak na malaki ang impluwensiya sa singer ng non-showbiz boyfriend. Ganito raw talaga ang pagkakakilala sa karelasyon niya, controlling boyfriend, dahil halos lahat ng naging girlfriend ay taga-showbiz at lagi siyang hinihiwalayan kasi nga dominante.

In fairness, may dating naman ang non-showbiz boyfriend ng baguhang singer na feeling naka-jackpot lalo’t ang dami na nitong nakarelasyon na pawang magaganda at sikat.

Tsika at Intriga

Pagtambak ng basura sa lupain ng mga Ayta, pinaalingasaw ni Kara David!

Kasi nga baguhan pa lang si Singer, kaya nag-aakalang siya na ang nagwagi. Ang pangako raw kasi ng non-showbiz boyfriend ay sila na ang forever. Sabagay, matagal na silang magkakilala’t magkaibigan bago naging sila.

Bukod dito, parehong boto sa isa’t isa ang kani-kaniyang magulang.

Pero dedma ang mga taga-showbiz sa relasyon ng dalawa.

Mas pinagtatakhan kung bakit ang hilig sa artista ng non-showbiz guy? Bakit daw hindi siya humanap ng kauri niya.

“Feeling sikat kasi kapag celebrity ang jowa!” sabi sa amin ng aming source. (Reggee Bonoan)