ni Nitz Miralles
NABASA namin ang post sa Instagram (IG) ng pasasalamat ni Lotlot de Leon sa pagkakapanalo niya ng best supporting actress sa 50th Houston Worldfest International Film Festival para sa pelikulang 1st Sem.
“Nu’ng una ko pa lang mabasa ang script ng 1st Sem na-in love na ako dito... in-offer sa akin ng hindi ko personal na kakilala ang mga sumulat at magdidirek... pero sabi ko, YES! Sa unang basa ko pa lang natawa na ako, naiyak, at ang daming bumalik na alaala... ako ito.. naramdaman ko na lahat ng pinagdaanan ng character ko na si ‘Mama Precy’ -- nagalit, natuwa at sa huli natutong mag-let go... Istorya ito ng bawat isa sa atin... magulang, ina at kapatid.“To Direk Dex and Direk Allan, salamat sa napakagandang kuwento... kuwento na sumasailalim sa totoong buhay... lahat po ng pinagdaanan n’yo na pagsubok mairaos lang ang pelikulang ito, ito na po ang magandang kapalit...
“To DANNON clothing, ang nag-iisa naming sponsor na hindi kami pinabayaan mula simula hanggang ngayon, habang panahon pong pasasalamat! To Sir Carlson, Direk Emman, Ms. Moira, Direk Carlo at sa lahat po na na-in love kagaya ko sa pelikulang ito, maraming salamat po, kayo po ang haligi ng 1st Sem Team..
“To ‘Nay’ Rommel (Gonzales), salamat sa lahat ng tulong at suporta para lang matulungan ang 1st Sem... Sa ating mga manunulat sa industriya, Salamat po sa lahat!
“Para sa mga magulang ko at mga kapatid ko... Para sa mga anak ko Janine, Jessica, Diego and Maxine and Mahal Ko, Fadi, you guys are my inspiration miss na miss ko na kayo... I’ll see you in a few days and I love you!!! Thank you, Father God! To God Be All the Glory!”
Hindi agad nakauwi ng Pilipinas si Lotlot dahil dumiretso siya sa Florida para madalaw ang biological father na doon nakatira.
Bukod sa napanalunang acting award ni Lotlot, nanalo rin ang 1st Sem sa Theatrical Feature Film/Coming of Age category.