BARCELONA, Spain (AP) — Sementado na ang monumento ni Rafael Nadal bilang ‘King of Clay’.

10-10! Pinasalamatan ni Rafael Nadal ng Spain ang mga tagahanga sa awarding ceremony matapos makopo ang ika-10 Barcelona Open title sa impresibong 6-4, 6-1 panalo kontra  Dominic Thiem ng Austria nitong Linggo (Lunes sa Manila). (AP)
10-10! Pinasalamatan ni Rafael Nadal ng Spain ang mga tagahanga sa awarding ceremony matapos makopo ang ika-10 Barcelona Open title sa impresibong 6-4, 6-1 panalo kontra Dominic Thiem ng Austria nitong Linggo (Lunes sa Manila). (AP)
Magaan na ginapi ng Spaniard supertsar si Dominic Thiem, 6-4, 6-1 nitong Linggo (Lunes sa Manila) sa clay court para sa ika-10 Barcelona Open title.

Ito ang ikalawang sunod na torneo sa clay court na kinolekta ni Nadal ang ika-10 tropeo. Nauna niyang nadomina ang Monte Carlo Masters.

“It means a lot to me to win 10 titles here in Barcelona as well,” pahayag ni Nadal. “To win in Barcelona and Monte Carlo gives me a dream start to the clay season.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa kabuuan, nakamit ni Nadal ang ika-71 career win. Sa nakalipas na tatlong finals, nabigo ang world No.5, kabilang ang Australian Open kay Roger Federer.

Sa Hunyo, tatangkain niyang makamit ng ika-10 titulo sa French Open. Ang huli sa 14 na Grand Slams niya ay naganap sa Roland Garros tatlong taon na ang nakalilipas.

Binasag ni Nadal ang service play ng ninth-ranked Austrian sa unang set at sa kaagahan ng ikalawang set tungo sa panalo at sa ika-51 career sa clay court.

“It was vital for me to win the first set. It was difficult. I had a few more chances than him, but it was very even,” aniya.

Naitala ng 30-anyos na si Nadal ang ika-10 sunod na panalo at 21-1 sa nakalipas na 22 set.

Target ni Thiem, nasilat si top-ranked Andy Murray sa semifinals, ang ikalawang sunod na titulo. Nagwagi siya sa Rio de Janeiro nitong Pebrero.

Umusad si Nadal sa 53-3 sa ATP World Tour 500 event.