Patay ang isang senior citizen makaraang bumangga ang minamanehong owner sa poste ng kuryente sa Taguig City, nitong Linggo ng umaga.

Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa Taguig-Pateros District Hospital si Rodolfo Albais, 73, ng President Garcia Street, Z-6 Signal Village, Taguig City.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD), dakong 9:40 ng umaga nangyari ang aksidente sa southbound ng C-5 Road, malapit sa South Luzon Expressway (SLEx) toll gate, Barangay Western Bicutan.

Binabaybay ni Albais, sakay sa kanyang Toyota Owner Type Jeep (DPB-418), ang nasabing lugar patungong East Service Road nang biglang mawalan ng kontrol hanggang sa sumalpok sa poste ng kuryente. (Bella Gamotea)

Agustinong pari sa Pilipinas, inalala pagsasama nila ni Pope Leo XIV noong Bagong Taon