NABALEWALA ang ratsada ni Kristina Mladenovic ng France sa first sent nang pabagsakin ni Laura Siegemund ng Germany sa finals ng Porsche Grand Prix tennis tournament sa Stuttgart, Germany nitong Linggo (Lunes sa Manila). AP

STUTTGART, Germany (AP) — Isang wild card entry ang kampeon sa Porsche Grand Prix at hindi siya sa Maria Sharapova.

Tinanghal na kampeon ang homegrown na si Laura Siegemund, tulad ng kontrobersyal na si Sharapova at nabigyan ng wild card entry ng organizer, nang gapiin si Kristina Mladenovic 6-1, 2-6, 7-6 (5) nitong Linggo (Lunes sa Manila).

Nakamit ng German wild card entrant, nabigo sa kababayang si Angelique Kerber sa nakalipas na taon, ang ikalawang career title.

“It’s unbelievable. I’m a bit perplexed now. I think tonight will be the party of the year,” sambit ng 29-anyos na si Siegemund.”It was an unbelievable match. I don’t know how I did it.”

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ratsada si Siegemund sa 4-0 bentahe bago nakabawi si Mladenovic, tumalo kay Sharapova sa semifinal, sa sumond na match, subalit nanaig si Siegemund matapos ang 29 na minuto.