Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang mga rehistradong botante na alamin ang availability ng kani-kanilang Voters' Identification (ID) card sa Office of the Election Officer (OEO) kung saan sila nakarehistro.

Ito ang sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, nagpaalalang libu-libong Voters' ID ang hindi pa rin nakukuha sa mga OEO hanggang ngayon.

“We are reminding registered voters that they can check with the Comelec office in their city or municipality, to verify the availability of their Voters' ID,” sabi ni Jimenez.

Ayon sa opisyal, karaniwan nang kinukuha nang personal ang Voters' ID, o sa pamamagitan ng isang awtorisadong kinatawan, sa lokal na tanggapan ng Comelec.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Voter ID's are not mailed or delivered to individual voters. They are not released to the barangay office. Voters must claim them personally, or through an authorized representatives,” sabi ni Jimenez.

Nobyembre 2016 nang ilahad ng Comelec sa isang advisory ang proseso kung paano magke-claim ng Voter’s ID:

Una, ipahanap sa lokal na Office of the Election Officer ang inyong Voter’s ID, at sabihin ang inyong buong pangalan, petsa ng kapanganakan at address, gayundin ang taon kung kailan nagparehistro.

Magdala rin ng valid ID para sa beripikasyon.

Kung hindi naman available ang inyong Voter’s ID, itawag ito sa Information and Technology Department (ITD) ng Comelec sa 526-7769 o 526-7771. - Leslie Ann G. Aquino