LINGAYEN, Pangasinan - Patay ang isang biyuda at isang drug surrenderer matapos na pagbabarilin sa magkahiwalay na bayan sa Pangasinan, nitong Linggo.
Kinilalan ng pulisya ang mga nasawi na sina Lucina Carulla, 60, taga-Barangay Guiset Norte sa bayan ng San Manuel; at Louie Vallo, 36, biyudo, drug surrenderer, ng Bgy. Mancup sa Calasiao.
Nasa harap ng kanyang bahay nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang armado si Carulla, na hindi na umabot nang buhay sa Don Laureano Perez Memorial Clinic.
Nanonood naman ng TV si Vallo nang pasukin at ratratin sa kanyang bahay. (Liezle Basa Iñigo)