NEW YORK (REUTERS) – Sa tingin ng studio boss ay pandak si Al Pacino, kailangan ni Marlon Brando na mag-screen test, at muntik nang masibak ang direktor na si Francis Ford Coppola.
Ginunita ng director at cast ng The Godfather sa 45th anniversary reunion sa New York nitong Sabado ang mga pagsubok, pagpupursige at inspirasyon na nagbunga ng Oscar-winning Mafia movies.Pinanood nina Coppola, Pacino, Robert De Niro, Diane Keaton, James Caan, Talia Shire at Robert Duvall ang back-to-back screenings ng The Godfather (1972) at The Godfather: Part II (1974) kasama ang 6,000 audience sa closing night ng Tribeca film festival.
“I haven’t seen these movies for years,” sabi ni Coppola. “I found (watching) a very emotional experience. I forgot a lot about the making of it and thought about the story, and the story used a lot of family and my personal stuff.”
Nagwagi ng siyam na Oscars ang dalawang pelikula na nagsasalaysay tungkol sa buhay ng isang ulilang bata mula sa Sicily na nagtungo sa United States pagpasok ng 20th century at bumuo sa Corleone crime family na naging movie classics.
Ngunit hindi naging madali ang pagsisimula ng pelikula. Ginunita ni Coppola na nais ng Paramount studio na i-set ang pelikula sa 1970s at gumawa ng “cheap and quick” na pelikula.
Ilang beses na muntik nang tanggalin ni Coppola at humarap sa matinding pagtutol nang kunin niya si Pacino bilang Michael Corleone at si Brando bilang ang titular Godfather.
Si Brando, pumanaw noong 2004, ay galing sa ilang box-office flop kasunod ang stellar career noong 1950s at may reputasyon na mahirap katrabaho.
“I was told (by studio executives ) that having Brando in the film would make it less commercial than having a total unknown,” sabi ni Coppola.
Kalaunan ay pumayag ang studio, “if Marlon will do a screen test and do it for nothing and put up a million dollar bond that he wouldn’t cause trouble during the production.”
Nilikha ni Brando ang rasping voice, jowly cheeks at oiled hair ni Corleone sa screen test. Tatlong linggo na nilang ginagawa ang pelikula nang lalo pang bumigat ang mga problema.
“They (the studio) hated Brando. They thought he mumbled and they hated the film... It was very dark,” sabi ni Coppola. Natapos ni Brando ang pelikula at nanalo ng Oscar para sa kanyang pagganap.
Kinailangan namang sumalang sa “countless times” na screen test ang baguhang si Pacino para sa papel ni Michael, ang college-educated na anak na namamahala sa mga negosyo ng Corleone sa casino, pasugalan at racketeering. Sa pakiwari ng studio bosses ay hindi siya katangkaran at gustong ipalit si Robert Redford o si Ryan O’Neal.
Ngunit ipinaglaban siya ni Coppola dahil “every time I read the script, I always saw his (Pacino’s) face, especially in the scenes in Sicily.”
Sinabi naman ni Pacino na ang orihinal niyang nagustuhan ang role ng mainitin ang ulong anak na Sonny, at inisip na baliw talaga si Coppola dahil ipinagpipilitang siya ang gumanap bilang Michael.
“I thought this is either a dream or a joke... and then started the whole trial of them not wanting me and Francis wanting me,” pagbabalik-tanaw ni Pacino. Inilunsad ng pelikula ang kanyang karera bilang isa sa most honored actors ng kanyang henerasyon.
Suwerte lang din ang paglikha sa ilang hindi malilimutang eksena sa dalawang pelikula. Ang rebelasyon ng asawa ni Corleone na si Kay (Keaton) na ipinalaglag niya ang kanilang anak dahil nangilabot siya sa mga gawaing kriminal ng kanyang asawa ay isinuhestiyon ni Talia Shire (Connie).
Last minute addition naman ang pusa na kinalong ni Brando sa opening scene ng The Godfather, na nagpapahiwatig ng malaking kaibahan sa kanyang intimidating presence.
“I put that cat in his hands. It was the studio cat. It was one take,” sabi ni Coppola.