Sinabi ni Labor Sec. Silvestre “Bebot” Bello III, chair ng government (GRP) peace negotiating panel, na tinatrabaho na ng bilateral team ng GRP at ng National Democratic Front (NDF) ang mga probisyon sa Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER).

“Ang report sa akin ni Nani Braganza, who is chairman of the committee on CASER, mukhang magkakasundo na sila and they will submit it to the panel for final approval maybe by May 27 to June 1,” sabi ni Bello, na ang tinutukoy ay si panel member Hernani Braganza, na namumuno sa RWC-SER ng GRP, na nag-ulat sa kanya na maayos na umuusad ang informal bilateral meetings ng dalawang partido.

Magbabalik ang dalawang partido sa Noorijk aan Zee, The Netherlands para sa ikalimang serye ng mga pag-uusap sa Mayo 26 hanggang Hunyo 2, 2017.

Sinabi niya na umaasa siya na makabubuo ang RWCs-SER ng single draft ng CASER para lagdaan. - Antonio L. Colina IV

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!