Iilang Pinoy ang positibong dadami ang oportunidad sa trabaho sa susunod na 12 buwan, batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Sa nationwide survey sa 1,200 respondent noong Marso 25-28, natuklasan ng SWS na 44 na porsiyento ng mga Pilipino ang naniniwalang mas marami nang trabaho para sa mga Pilipino sa susunod na 12 buwan. Nasa 15% naman ang naniniwalang mababawasan pa ang mga trabaho, habang 27% ang nagsabing walang magiging pagbabago sa job availability.

Ang dami ng mga Pinoy na naniniwalang dadami ang mga trabaho sa bansa sa mga susunod na buwan ay bumaba mula sa 48% noong Disyembre, habang tumaas naman ng 12% ang nagsabing mababawasan pa ang mapapasukang trabaho.

Sa kaparehong panahon, halos hindi rin nagbago ang bilang ng mga walang trabaho: nasa 10.4 milyon na lang sa 22.9% mula sa 25.1% o 11.2 milyon noong Disyembre.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kasabay nito, inihayag kahapon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na sa loob ng 10 buwan ng administrasyong Duterte ay natugunan ng pamahalaan ang problema sa kawalan ng trabaho at underemployment.

Aniya, kabilang sa employment facilitation services ang mga jobs fair, labor market information, online na pag-aalok ng trabaho sa PhilJobNet, at mga programang gaya ng Special Program for Employment of Students (SPES), Government Internship Program (GIP), at JobStart Philippines Program.

Batay sa datos bandang 3:00 ng hapon kahapon, 34,605 aplikante ang nagparehistro sa 54 job fair ng kagawaran sa bansa; 1,658 sa mga ito ang hired on the spot (HOTS). - Ellalyn de Vera-Ruiz at Mina Navarro