Naaresto ng pulisya ang isang nurse at tatlo pang katao sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Lucena City, Quezon, iniulat ng pulisya kahapon.
Ayon sa ulat ng Lucena City Police Office (LCPO), unang isinagawa ang pagsalakay sa Barangay Ibabang Iyam, at nadakip sina Winston Ebreo, 24; at Karl Joshua Stracke, 22, matapos mahulihan ng apat na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P100,000.
Sa hiwalay na pagsalakay ng pulisya sa Bgy. Ibabang Dupay, naaresto sina Don Vickson, 28, nurse; at Romeo Quinto, 36, na nakumpiskahan naman ng anim na sachet ng hinihinalang shabu. (Fer Taboy)