Dalawang bihag ang pinalaya ng Abu Sayyaf nitong Linggo ng gabi, kinumpirma kahapon ng militar.

Kinilala ni Army Brig. Gen. Cirilito Sobejana, hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Sulu, ang mga pinalaya na sina Alriznor M. Halis, driver, mula sa Luuk Sulu; at Aljimar Ahari, assistant driver, na taga-Indanan Sulu.

Ayon sa AFP, kapwa contractual employee ng Sulu 1st District, DPWH-ARMM sina Halis at Ahari na naiulat na sapilitang kinuha ng mga armadong lalaki sa Sitio Bsunoh Bangkal, Barangay Bangkal, Patikul, Sulu noong Abril 29.

Sinabi ni Sobejana na base sa mga natanggap niyang ulat, pinakawalan ang dalawa nitong Linggo, dakong 8:30 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi rin ni Sobejana na sa Patikul, Sulu, malapit sa lugar kung saan sila dinukot, pinakawalan ang dalawa.

Ayon kay Sobejana, posibleng dinukot ng ASG ang mga biktima upang gamitin sila bilang human shield o humingi ng ransom sa mga pamilya nito.

Gayunman, nang sabihin ng ama ng isa sa mga biktima na wala siyang pera na maipambabayad sa ransom, napilitan ang mga terorista na pakawalan ang mga bihag.

“According to the father of one of the victims, the terrorists were reportedly asking P2 million for the safe release of the victim. But the father told them that he has no money, even P20,” sabi ni Sobejana.

“When they failed to get any money, they just freed them. We are also not discounting the possibility that they intend to use the victims as human shields but that did not also worked out,” ani Sobejana. - Francis T. Wakefield