NAGOYA, Japan – Nakabangon mula sa malamyang simula si Juvic Pagunsun para sa two-under 68 at makisosyo sa ika-walong puwesto matapos ang third round ng Japan Golf Tour’s The Crowns 2017 nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Nagtamo ng bogey sa unang dalawang hole ang pambato ng Bacolod City at walang consistency ang kanyang laro bago tumapos ang magkasunod na birdie sa huling tatlong hole ng Nagoya Golf Club Wago Course.

Kasama ni Pagunsan, umiskor ng 65-70 sa unang dalawang round, si Ryuko Tokimatsu, umiskor din ng 68 para sa 7-under 203, apat na stroke ang layo sa lider.

Napantayan naman ni Toshinori Muto ang best na 65 para makisosyo sa pangunguna kay Yusaku Miyazato sa 67 at kabuuang 199.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Umiskor si Angelo Que ng tatlong birdie para sa three-under 67, para makisosyo sa ika-19 puwesto na may iskor na 207.