Ni JIMI ESCALA

Miles Ocampo
Miles Ocampo
ISA si Miles Ocampo sa mga artistang hindi nagbabago ng ugali. Simula sa pagiging child star hanggang sa ngayong nagdalaga na ay palabati pa rin ang aktres at with matching –pangungumusta pa.

Kapuri-puri rin na hindi siya nagpapabaya sa kanyang pag-aaral. Kahit busy sa kanyang showbiz commitments, tuluy-tuloy ang kanyang studies kaya second year college na siya ngayon -- sa kursong Theatre Arts.

Ipinagmamalaki ni Miles na nahihiligan niya nang husyo ang pagsusulat at kung hindi raw magbabago ang takbo ay nagpaplano raw siyang magpapalit ng kurso sa darating na pasukan, huh!

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Sa totoo lang naman kasi, eh, alam n’yo naman na lumaki ako sa industry na ito na laging nasa harapan ng kamera. ‘Pag nanonood ako ng sine, sinasabi ko, ang ganda naman ng lines, ang ganda naman ng eksena.

“So baka ituloy ko ‘yung naramdaman ko na parang gusto kong maging writer. Kumbaga, sa kapapanood ko ng mga pelikula at soap opera, eh, nagkaroon ako ng idea na what if maramdaman ko ‘yung nararamdaman ng writer na ‘pag siya ‘yung nagsulat ng story ng isang movie?” sey ni Miles.

Nag-apply na siya sa scriptwriting workshop ng batikang si Ricky Lee. Proud siya na sa sobrang dami ng mga aplikante ay isa siya sa iilang napili.

“Nu’ng first day ng workshop sobrang intimidating kasi ako ‘yung pinakabata. ‘Tapos lahat ng kasama ko du’n, writers sa indie, writers ng mga play, directors na ng mga indie. Pero masaya kasi maganda rin naman ‘yung meron akong ganyang invironment na bago at kakaiba naman,” masayang kuwento ng bagets.

Ibang kasiyahan ang hatid kay Miles ng pagsusulat. Kaya napakaligaya niya na naging bahagi siya ng workshop ni Ricky Lee. Ngayon, pinapangarap ni Miles na maisapelikula ang isusulat niyang kuwento.

“Sana nga po, inaayos pa. Pero nasabihan na ako ni Sir Ricky na magpi-pitch daw. Ayoko pa siyang pangunahan kasi hangga’t hindi pa siya nangyayari at saka hangga’t hindi pa ako super galing talaga.

“Pero ipinagdasal ko po talaga na sana someday maging pelikula siya,” masayang kuwento pa ng magandang aktres na si Miles.